Huwebes, Marso 23, 2017

blog

ANG MUNDONG IBABAW

Saan nga ba nagmula ang mundo? Gaano nga ba ito kalawak ?

Marami sa atin ang hanggang ngayo'y naguguluhan pa din kung saan ba talaga nagmula ang mundo. Iba't ibang teorya  na ang inilabas ukol dito. Di mabilang na tao na rin ang nangahas na mangaral dito. Yung iba'y nakakabuo ng hipotesis yung iba nama'y hindi mahanap ang tunay na dahilan. Ngunit hanggang ngayo'y hindi  pa rin mapatunayan ng siyentipiko na sa isang teorya nabuo ang mundo. Dahil ang kanilang natuklasan ay nanatili pa ring hipotesis.

Hindi maitatanggi na kahit anong gawing pagpapatunay ng siyentipiko sa pinagmulan ng mundo, marami pa ring mga tao ang naniniwala na ang mundo ay nilikha ng Diyos. Hindi ito nabuo nang dahil sa Big Bang Theory, hindi ito binuo ng mga Greek God's kundi isang makapangyarihang Diyos ang tanging makakagawa nito, ang ating Panginoon.


Sa sobrang lawak ng ating mundo halos tatlong porsyento pa lamang ang natutuklasan ng tao. Madami pa ang hindi natin natutuklasan na bagay sa mundo. Kaya't hindi na Ako magtataka kung isang araw ay may kakaibang matuklasan ang siyentipiko sa mundo. Hindi maikakaila na ibang klase talaga ang paggawa ng Diyos sa ating mundo. Kaya't nararapat lang na ito'y ating ingatan at huwag pabayaan.

Lunes, Marso 13, 2017

TULA

IBA KA BES!


I. Maraming kabataan
Sa disiplina'y nakulangan
Magandang kaugalian
Sa kanila'y di matagpuan.


II. Pagmumura nila animo'y
Humahampas na along walang humpay
Kawalan ng galang sa matanda ay 
Sa kanila'y nananalaytay.

III. Maraming mga bisyo
Sa karamiha'y makikita niyo
Droga, alak, sigarilyo
Ang nasa kanilang bokabularyo.


IV. Marahil marami sa kanila
Sa Diyos ay di nakakakilala
Kaya't ang malawak na mundo nila 
Kadiliman ang nasasala.

Tekstong Naratibo

Panaginip

Isang gabi nanaginip ako, umuwi daw Ako sa Pangasinan. Masayang - masaya Ako dahil makakauwi na naman Ako sa probinsya namin. Pagdating ko ay sinalubong Ako ng lola at mga pinsan ko. Tuwang- tuwa Ako at lahat ng madaanan ko ay binabati ko, na hindi naman normal sa akin pag umuuwi Ako sa probinsya namin. Kinagabihan, pumunta Ako sa bahay ng tita ko dahil doon Ako matutulog. Nagtataka ako kung bakit nandoon sila Rawyza at ibang Star 11-2A sa ikalawang palapag ng bahay ng Tita ko na nag-aawitan at nagtutugtugan. Hindi ko na lamang ito pinansin. Pagkapasok ko sa bahay naratnan ko sila Tito at Tita, lalo pa kong nagtaka ng makita ko na nandun din ang ate ko. Lumabas Ako saglit ng bahay at naghugas sa may poso nila. Hindi ko alam pero parang may iba at kinikilabutan Ako.

Kaya naman ,dali dali akong pumasok at pagtingin ko sa loob wala sila, wala na ding tao sa taas ng bahay. Kinikilabutan na ako dahil bigla silang nawala tapos ang laki pa ng bahay nila. Imagine yung bahay na dati pa, although sementado na sa baba, yung ikalawang palapag nito ay katulad pa din ng dating bahay na tabla at kahoy katulad ng mga bahay sa Vigan. Sa sobrang takot ay diko na alam ang gagawin ko. Mabuti na lamang at bigla akong nagising.


Ewan ko ba pero madalas ay ganyan ang mga panaginip ko. Hindi natatapos, weird kumbaga at laging magkahalo yung mga character. Laging may taga-Bulacan at Pangasinan na kasali. Isa pa, pagkatapos ko managinip bigla na lang akong magigising at take note madalas ay around 3:00 am pako nagigising.